Ambisyon ni Lee, pataubin si Reyes
November 1, 2001 | 12:00am
Ano kaya ang mararamdaman ng isang magaling na cue artist na si Efren Bata Reyes sakaling daigin siya ng isang dating tinuruan niya at higit sa lahat isang babae?
Ito ay masasagot sa one-on-one showdown sa pagitan ng kilalang "The Magician" na si Reyes at ni Jeanette Lee na tinaguriang "The Black Widow" sa Sabado, Nobyembre 3 sa Casino Filipino-Parañaque.
"Hindi ko alam na siya pala yung "The Black Widow" anang simpleng si Reyes na nagsabing hindi niya nakilala si Lee na isa pala niyang dating tinuruan noong siya ay nasa Amerika pa.
"Its a pleasure and great honor for me to play with Efren (Reyes) who is one of the greatest pool player of World," pahayag naman ng 28 anyos na si Lee .
Ayon kay Lee, malaki ang kanyang paghanga kay Reyes dahil isa itong mahusay na manlalaro.
"I have played with other men in pool but this is the first time that I will be playing against a top ranked pro player." anang seksi at world top ranked pool player ng Womens Professional Billiards Association.
Sino ang makakapagsabi na ang isang magandang babae na nadiskubreng may scoliosis ay lalabas na isang mahusay na manlalaro?
"I love playing pool and all my life I have dream to become a great billiard player" pahayag pa ni Lee na may malaking paghanga kay Reyes at ambisyong talunin ito.
Sinabi rin ni Lee na mahirap talunin ang isang mahusay na manlalaro na katulad na Reyes, pero pagdating sa pool table, kung mabibigayn siya ng magandang break, hindi malayong kaya niyang daigin ito.
" Its hard to defeat a well respected player but in playing billiards its not all skill but also breaks of the game," dagdag pa ni Lee na umaasang sasan-dig ang breaks sa kanya upang talunin ang iniidolo ring si Reyes.
Ang duwelo ng dalawa ay mapapanood sa IBC-13 sa pamamagitan ng Viva-Vintage sa ganap na alas-3 ng hapon kung saan mauuna rito ang bakbakan ng mga bata at mahuhusay na cue artist ng bansa. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended