Olsen's Week

Papalapit pa lang ang All Saint’s Day, ngunit naideklara na ang Olsen’s Week.

Bukod sa birthday ni San Miguel Beer pointguard Olsen Racela sa araw na tinaguriang All-Saint’s Day, muli na namang nagpakitang gilas ang 5-10 na da-ting manlalaro ng Ateneo upang makamit ang pangalawang sunod na Player of the Week sa Philippine Basketball Association Governors Cup.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kumperensiyang na ang isang player ay nag-back-to-back sa lingguhang citation na pinag-bobotohan ng mga miyem-bro ng PBA Press Corps.

Si Racela din ang naging Player of the Week nung nakaraang linggo, kung saan kumana ito ng game high-tying 17 points upang manguna sa come-from-behind win ng defending champion kontra sa Alaska Aces.

Nung nakaraang Biyer-nes, muli na namang pumu-tok si Racela at gumawa ng 23 puntos, kasama dito ang four-of-eight shooting sa three-point area na siyang tumulong sa 79-75 victory ng San Miguel laban sa Talk N Text.

Kung nung nakaraang Linggo, tumabla si Racela kay import Lamonth Strothers sa scoring sa laban ng San Miguel at Talk N Text, siya na ang nanguna sa depertamentong iyon. Walang nag-akalang magagawa ito ni Racela, lalo na sa isang team kung saan naglalaro sina Strothers at Danny Ildefonso na pawang mga scoring threats.

Dahil sa kanyang magandang ipinapakita, biglang naging paborito ang San Miguel play maker sa isa sa mga guard slots sa Mythical Five sa yearend awards. Ngunit ayaw pa itong isipin ni Racela.

Inamin ni coach Jong Uichico na malaking bagay ang pagputok ni Racela sa scoring dahil kasalukuyang hindi nakakapaglaro si Danny Seigle dahil sa back spasms.

At ito ang nagsilbing inspirasyon ni Racela upang talunin ang ibang kandidato sa Player of the Week, katulad nina Damien Owens ng Sta. Lucia, Billy Thomas ng Tanduay, Gerry Esplana ng Shell at Poch Juinio ng Pop Cola.

Show comments