Nakopo ni Bergavera ang quarterfinal seat kasama sina Manilas Christian Canlas na bumokya kay Erwin Ponce, 8-0 bago nalusutan si Bernardine Siso, 8-7 at isa pang lahok ng Big City na si Daniel Macalino na nanaig kontra Bryan Lontok, 8-2.
Sa unisex 10-under bracket, pinabagsak ni Renan Mirto ng Aklan si John Dominguez, 8-3; hiniya ni Martina Guba ng La Carlota si Elper Lachica, 8-6; nanaig din si Chynna Mamawal sa kalabang si Joseph Arbot, 8-6 at sinupil ni Joana Tan si Gilo Gustillo, 8-1 sa Milo netfest na ito na inorganisa ng Childrens Tennis Workshop at suportado ng Adidas at Sports Kids kung saan mayroong 158 boys and girls ang nagpatala sa event na ito.