Bolivar, namayagpag sa Cagayan de Oro elims
October 30, 2001 | 12:00am
CAGAYAN DE ORO--Noong nakaraang taon, tumapos lamang ang Armyman na si Simon Bolivar ng ikalawang puwesto kay Ronilo Sandinao sa Milo Marathon regional race sa siyudad ng Golden Friendship.
Pero ngayong taon, ibang ending ang naganap dinomina ng 23-anyos na si Bolivar, tubong Carmen, Cagayan de Oro ang karera upang solong tumawid ng finish line upang maibulsa sa ikatlong pagkakataon ang Milo Marathon regional crown na may tiyempong 28:56.
Inipong lahat ni Bolivar ang kanyang nalalabing lakas sa huling 100 metro sa 10K race upang silatin ang nangungunang si Daud Mama at tahakin ang finish line sa tiyempong 28:56.
"Tutok lang sa una, hinintay kong makakuha ng tiyempo, humirit ako sa last 100 meters at nabigla yata si Mama. Habol ko lang naman talaga maka-top 3 dito," pahayag ni Bolivar na nanalo rin sa event na ito noong 1997 at 1998. Naibulsa niya ang P5,000 at slot sa Adidas-backed national finals sa Manila sa December.
Sa parte naman ni Mama, silver medalists sa 3000-m steeplechase sa nakaraang Kuala Lumpur SEA Games ay magaang na tinanggap ang kanyang pagkatalo kay Bolivar. "Pabalik pa lang ako sa training, alam ko kapag humirit siya, hindi ko kayang sabayan," anang tubong Lanao del Sur.
Naorasan ang 29-anyos na si Mama ng 29:05 at kumita ng P3,000 na sinundan ng defending champion Sandinao na may oras na 29:17 at nagbulsa ng P2,000.
"Hindi ko inaasahan na nandito yung dalawa, malalakas talaga sila at hindi ko kayang sabayan ang pacing nila sa last 3 kilometers," pahayag ng natanggalan ng korona mula sa Bukidnon na nanguna sa kaagahan ng 10K qualifying race.
Sa womens division ng 10K event na sinalihan ng mas malaking bilang ng male at female 10K entries sa regional race, hindi lumahok ang defending champion Ellen Tolentino mula sa Camanci, Cagayan de Oro na kamakailan lamang ay nagpakasal at kasalukuyang nagdadalantao ito sa kanyang unang anak, gayunman ang korona ay hindi rin nawala sa mga kamay ng Tolentino.
Tinahak ng kanyang nakababatang kapatid na si Ailyn, isang 6th grader ang finish line sa tiyempong 39:06 at cash prize na P5,000.
Sumegunda ang 15-anyos na si Cecile Topia, 2nd year student ng Tawagan Sur High School na may tiyempong 39:10 at pumangatlo ang 18-gulang na si Annalyn Edrolin na may 40:32.
Dahil kapwa under-age, nabalewala ang panalo nina Tolentino at Topia, kung saan di sila napasama para sa National Finals sa December sa Manila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended