^

PSN Palaro

Korean umusad sa susunod sa round

-
Pinayukod ng walang ranggong si Hong Da-Jung ng Korea ang second seed Radhika Tulpule, 7-5, 7-5 kahapon upang makarating sa second round ng $10,000 Union Cement-ITF Philippines Women’s Circuit I sa Rizal Memorial Tennis Center.

Sumandig ang 15-anyos na si Hong sa kanyang steady baseline game upang igupo ang world’s No. 497 na si Tulpule sa ikatlong pagkakataon mula ng simulan ang Australian Juniors tournament noong nakaraang taon.

"It was a tight match," ani Hong matapos na maitabla ng Indian ang iskor sa 5-all sa second set. "I just concenrated on the next two games and won the match."

Ang panalo ay nagdala kay Hong na makaharap ang world’s No. 863 na si Prariyawan Ratanakrong na umiskor ng 6-3, 6-0 tagumpay kontra Chan Chin-Wei ng Chinese Taipei.

Si Hong na No. 1 player ay umuwing talunan nang matalo ito kay Ratanakrong sa first round ng Mitsubishi Lancer International Championship na ginanap dito noong nakaraang taon.

"I hope to learn from (Ratanakrong) and win this time," ani Hong.

Ang iba pang umusad sa susunod na round sa netfest na ito na suportado ng ITF Grand Slam Development Fund, Wilson balls, Viva Mineral Water, Traders Hotel at ng Philippine Sports Commission ay sina fourth seed Sonal Phadke ng India, seventh seed Jennifer Schmidt ng Austria at wild card Ha Ji-Sun ng Korea.

Ginapi ng world’s No. 533 Phadke ang Filipino qualifier Deena Rose Cruz, 6-1, 6-0, namayani naman si Schmidt kay Julia Gandia ng Spain, 6-3, 6-3, habang pinabagsak ni Ha si Catherine Turinsky ng Germany, 6-4, 6-4.

Samantala, makakalaban ng wild card na si Czarina Mae Arevalo ang qualifier Alyssa Anne Labay sa first round simula sa alas-9 ng umaga.

ALYSSA ANNE LABAY

AUSTRALIAN JUNIORS

CATHERINE TURINSKY

CHAN CHIN-WEI

CHINESE TAIPEI

CIRCUIT I

CZARINA MAE AREVALO

DEENA ROSE CRUZ

GRAND SLAM DEVELOPMENT FUND

HA JI-SUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with