^

PSN Palaro

Madala kaya ng NBA veteran ang Ginebra?

-
Isang lehitimong NBA veteran ang nakatakdang sumagip sa naghihikahos na kampanya ng Barangay Ginebra kung saan kailangan nilang maipanalo ang huling dalawang laro sa kasalukuyang eliminations ng PBA Governors Cup.

Dumating na sa bansa ang kapalit ng injured na si Mark Jones na si Charles "Bubba" Wells noong isang gabi at nakatakda na itong mag-ensayo ngayon bilang preparasyon sa kanilang nakatakdang laban kontra sa Talk N Text sa Biyernes.

Ang 6-foot-5 na si Wells ay may timbang na 230 pounds at isang second round pick (35th overall) ng Dallas Mavericks noong 1997.

Napuwersa ang Gin Kings na lumaro ng All-Filipino sa kanilang huling dalawang laro nang magtamo si Jones ng hamstring injury na kinaila-ngan niyang ipahinga ito ng apat na linggo. Sa siyam na nilaro nito, si Jones ay may averaged na 30.89 puntos, 11.89 rebounds, 3.44 assists, 1.11 steals, 0.67 blocked shot at 3.78 errors sa 47.56 minuto.

Dahil sa wala si Jones, naging madali para sa kalaban ng Gin Kings na sila ay gapiin, una silang tinalo ng Batang Red Bull, 93-72 noong nakaraang Miyerkules at ng Pop Cola noong Linggo sa iskor na 83-71 na dahilan upang mapunta sa ikapitong slot ang Ginebra sanhi ng kanilang 4-7 karta. Kailangan nilang ipanalo ang huling nalalabing dalawang laro upang maiwa-san ang kumplikasyon at makapasok sa quarter-finals. Matapos ang Phone Pals, susunod na makakaharap ng Gin Kings ang Tanduay Rhum sa Nov. 9.

Ang 31-anyos na si Wells ay tubong Russellvile, Kentucky. Siya ay lumaro ng college ball sa Austin Peay State kung saan kanyang pinangunahan ang koponan sa scoring (26.7) at rebounding (7.1) at ikalawa rin siya sa assists (2.7).

Matapos ang isang taon sa Mavericks, si Wells, kasama sina Pat Garrity, forward Martin Muursepp at ang kanilang 1999 first-round pick ay naitrade sa Phoenix Suns para sa guard na si Steve Nash.

Huli siyang hinugot ng Chicago kasama si Muur-sepp, Mark Bryant at ang draft pick kung saan pinakawalan naman ng Bulls ang sentrong si Luc Longley para sa Suns, Pero bago sumapit ang 1999 season, pinakawalan ng Bulls si Wells kasama sina Roy Rogers at Craig Staples.

Nagtungo si Wells sa Continental Basketball Association at lumaro para sa LaCrosse Bobcats hanggang sa matapos ang liga. Mula dito, siya ay sumapi na sa Memphis Houn Dawgs sa ABA bago na-released noong nakaraang Pebrero.

Mahigpit ang pangangailangan ng Gin Kings sa isang mahusay na rebounder matapos na ang Fil-Italian na si Alex Crisano ay masa-sideline na sa taong ito sanhi ng injury.

ALEX CRISANO

AUSTIN PEAY STATE

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

CONTINENTAL BASKETBALL ASSOCIATION

CRAIG STAPLES

DALLAS MAVERICKS

GIN KINGS

GOVERNORS CUP

LUC LONGLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with