^

PSN Palaro

'The Black Widow' darating na

-
Darating ngayong gabi ang glamorosong si Jeanette Lee, nanalo ng gold medal sa World Games sa Japan sa kaagahan ng taong ito para sa kanilang nakatakdang paghaharap ng 1999 World Pool Champion Efren ‘Bata" Reyes sa Casino Filipino, Parañaque sa Sabado, Nov. 3.

Haharapin ni Lee, tinaguriang " The Black Widow" at isa sa pinakamahusay na babaeng pool players sa daigdig ang ipinagmamalaki ng San Fernando, Pampanga na si Reyes, kilalang bilang "The Magician" sa race-to-13 sa LG Flatron Billiard Challenge na may nakatayang kabuuang premyong $15,000.

Ayon kay Lee, isang malaking karangalan na makaharap ang isa sa pinakamahusay na cue artist ng bansa at siniguro nito na isang magandang laban ang kanyang ibibigay kung saan kumpiyansa itong mananalo kontra Reyes.

Sa preliminary event, apat na "Rising Stars" ang nakatakdang lumaro sa 9-ball event sa pamumuno ng SEA Games gold medalist Lee Van Corteza na sasabak para sa P50,000 premyo sa knockout tournament.

Ang Lee-Reyes encounter ay ipalalabas ng Viva Television simula sa alas-3:30 ng hapon sa IBC-13.,

Limitado lamang ang bilang ng mga ticket sa labang ito kung saan pawang sold out na.

vuukle comment

ANG LEE-REYES

BLACK WIDOW

CASINO FILIPINO

FLATRON BILLIARD CHALLENGE

JEANETTE LEE

LEE VAN CORTEZA

REYES

RISING STARS

SAN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with