Humakot ang power forward na si Ranydel de Ocampo ng 25 puntos upang trangkuhan ang St. Francis sa kanilang panalo.
Tumapos naman ng ikatlong puwesto ang Far Eastern University nang kanilang pabagsakin ang University of the East, 76-65, habang nanaig naman ang University of Negros Occidental-Recoletos sa University of the Assumption-Pampanga, 84-73 para sa ikalimang puwesto.
Sa lawn tennis, bumangon ang UAAP champion Ateneo de Manila mula losser bracket upang igupo ang University of Santo Tomas upang ipadama ang kanilang supremidad sa mens lawn tennis event.
Tumersera ang University of the Philippines.
Sa beach volleyball, muling nasungkit ng San Sebastian College ang kanilang panibagong korona nang makipagtambalan ang Nestea champion Jennifer Bohawe kay Sarah Fay Luna upang igupo ang tambalang Karlyn Jacildo at Mary Joy Arnaiz ng St. La Salle, 21-14 sa kanilang titular showdown.
Ibinigay ng pareha nina Nestea tournament runner-up Isidro Bongcasan at Ernesto Tabilon ang gold sa Foundation University sa mens division.
Nanaig naman ang Dumaguete beach spikers sa tambalan nina Mohdhatta Janani at Gabsar Tahiluddin ng Mindanao State U, 21-15.
Ikatlo ang St. La Salle sa mens nang pabagsakin nila ang Adamson, 23-21at sa kababaihan, ikatlo ang San Sebastian B na nanalo sa Adamson, 21-17.