^

PSN Palaro

DLSU winalis ng St.Francis

-
BACOLOD CITY -- Winalis ng St. Francis of Assissi ang De La Salle University, 72-54, upang maibulsa ang kanilang ikatlong sunod na basketball title sa University Games na nagwakas kahapon sa University of St. La Salle.

Humakot ang power forward na si Ranydel de Ocampo ng 25 puntos upang trangkuhan ang St. Francis sa kanilang panalo.

Tumapos naman ng ikatlong puwesto ang Far Eastern University nang kanilang pabagsakin ang University of the East, 76-65, habang nanaig naman ang University of Negros Occidental-Recoletos sa University of the Assumption-Pampanga, 84-73 para sa ikalimang puwesto.

Sa lawn tennis, bumangon ang UAAP champion Ateneo de Manila mula losser’ bracket upang igupo ang University of Santo Tomas upang ipadama ang kanilang supremidad sa men’s lawn tennis event.

Tumersera ang University of the Philippines.

Sa beach volleyball, muling nasungkit ng San Sebastian College ang kanilang panibagong korona nang makipagtambalan ang Nestea champion Jennifer Bohawe kay Sarah Fay Luna upang igupo ang tambalang Karlyn Jacildo at Mary Joy Arnaiz ng St. La Salle, 21-14 sa kanilang titular showdown.

Ibinigay ng pareha nina Nestea tournament runner-up Isidro Bongcasan at Ernesto Tabilon ang gold sa Foundation University sa men’s division.

Nanaig naman ang Dumaguete beach spikers sa tambalan nina Mohdhatta Janani at Gabsar Tahiluddin ng Mindanao State U, 21-15.

Ikatlo ang St. La Salle sa men’s nang pabagsakin nila ang Adamson, 23-21at sa kababaihan, ikatlo ang San Sebastian B na nanalo sa Adamson, 21-17.

ADAMSON

DE LA SALLE UNIVERSITY

ERNESTO TABILON

FAR EASTERN UNIVERSITY

FOUNDATION UNIVERSITY

GABSAR TAHILUDDIN

ISIDRO BONGCASAN

JENNIFER BOHAWE

ST. LA SALLE

UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with