^

PSN Palaro

MBA 2nd Phase: Patriots hiniya ng Lakers

-
Agresibong opensa ang inilatag ng Laguna Lakers sa ikatlong bahagi ng sagupaan upang hiyain ang Nueva Ecija, 110-83 sa pagpapatuloy kahapon ng Second Phase ng Metropolitan Basketball Association na dumayo sa Araullo gym sa Cabanatuan.

Mula sa 46-42 pagkakadikit ng iskor, umalagwa ang Lakers sa pagbubukas ng third canto upang agawin ang trangko na naghatid sa Laguna sa pinakamalaking 71-46 kalamangan na hindi na nagawa pang lingunin ng Patriots.

Ito ang ikaanim na panalo ng Lakers na nagpatibay ng kanilang kapit sa ikatlong puwesto sa Northern Conference, habang tuluyan nilang ibinaon ang Patriots sa ilalim ng standings.

Tampok din sa panalong ito ng Laguna ang tatlong bagong season-record na ang isa ay itinala ni Cris Clay nang tumapyas ito ng 51 puntos upang wasakin ang dating 42 puntos conference output, kasabay nito, bagong record rin ang kanyang naiposte sa free throw line nang magtala ng 22 na tumabon naman sa dating 18 puntos ng kanyang teammate na si Biboy Simon.

Ang iba pang nagtala ng bagong record ay ang Fil-Am na si Jeffrey Flowers na humatak ng 25 rebounds na sumira sa 24 ni Romel Adducul.

AGRESIBONG

BIBOY SIMON

CRIS CLAY

JEFFREY FLOWERS

LAGUNA LAKERS

METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION

NORTHERN CONFERENCE

NUEVA ECIJA

ROMEL ADDUCUL

SECOND PHASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with