Matapos ang nakalipas na dalawang elimination races na ginanap sa Davao at General Santos, ito na ang huling Mindanao leg na mag-bibigay para sa Mindanao runners ng kanilang huling tsansa para mag-qualify para sa national finals kung saan ang City of Golden Smiles, Cagayan de Oro, kapital ng Misamis Oriental ang siyang magiging punong abala sa pinakamahabang foot race ng bansa sa Linggo, Oct. 28.
Inaasahang mahigpit na hamon ang babalikatin ng defending regional champions Ronillo Sandinao at Ellen Tolentino mula sa mga runners na kalahok galing sa mga probinsiya ng Misamis Occidental, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Agusan del Sur at del Norte at Bukidnon na tinatayang aabot sa 1,500 entries ang inaasahang sasali, kabilang ang sa 3K at 5k fun runners.
Inanyayahan na dumalo sa nasabing okasyon si Dir. Jesus Lazo Taberdo, DECS Director for Region 10, City Councilor Benjo Benaldo, Iggy Alvarez, Milo Brand manager at Nestle Area Manager Garry Velasco.
Ayon kay local race organizer Megdonio Llamera, na nagdagdag sila ngayong taon para sa Cagayan de Oro elimination run ng media run sa 5K distance na lalahok sa local members ng press. Tatanggap ang top finishers sa nasabing division ng cash prizes, ayon kay Jackby Jaime, Milo Sports Executive.
Matapos ang Cagayan de Oro race, ang nalalabi pang regional qualifying races ay sa Cebu City sa Visayas at Baguio City para sa Luzon, ayon sa national organizer Rudy Biscocho na siyang nagpakilala ng computerization technology sa Adidas-backed Milo Marathon.