MBA 2nd Phase: Socsargen vs San Juan
October 21, 2001 | 12:00am
Makakaliskisan ngayon kung hanggang saan ang tikas ng Socsargen-Taguig sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng San Juan sa alas-5:30 ng hapon sa MBA Second Phase sa San Juan Gym.
Pinakaba muna ng Socsargen-Taguig ang LBC Batangas bago sila tuluyang yumukod, 86-89 noong Miyerkules, pero nagawa nilang makapaghiganti sa mga kamay ng Nueva Ecija, 106-92 noong Biyernes at ang panalong ito ang ibig na masundan ng Marlins upang mapaganda ang kanilang 2-8 win-loss slate.
Sa labang ito, siguradong muling bibigyan ng Marlins ng mahigpit na laban ang Knights kung saan sa una nilang paghaharap ay dumaan sa butas ng karayom ang tropa ni coach Philip Cezar bago sila nito talunin sa iskor na 94-82.
Ngunit dahil sa mas malakas na line-up ng Knights, siguradong maduduplika, nila ang kanilang unang tagumpay upang higit na mapatatag ang kanilang kapit sa solong ikalawang puwesto sanhi ng 6-1 record sa likod ng lider na Batangas na nag-iingat naman ng 8-1 karta.
Nauna rito, tangka naman ng Cebu Gems na maitala ang kanilang ikaapat na panalo sa kanilang pakikipaglaban sa wala pa ring panalong TPG Davao Eagles sa alas-3 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended