Pinarisan naman ng host Philippine Star ang tagumpay ng San Miguel nang kanilang durugin ang RCBC.
Maagang nag-init si Lim nang humakot ito ng 18-puntos sa unang quarter upang punan ang pagkawala ni Allan Caidic at isulong sa dalawang sunod na panalo ang San Miguel.
Nakapasok naman sa win colum ang two-time BIBATO champion ABS-CBN nang kanilang igupo ang RFM Corporation.
Sa pagkawala ni Caidic na umiskor ng 34-puntos sa kanilang 76-59 panalo kontra sa RFM noong opening day, nakatulong ni Lim sina Art dela Cruz at Siot Tanquincen sa pag-ambag ng 16 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod habang umiskor naman ng 5-puntos si Hector Calma.
Tulad ng San Miguel, naitala rin ng Star ang kanilang ikalawang sunod na panalo duplikahin ang kanilang 80-61 pagdurog sa ABS-CBN noong opening day.
Pinangunahan ni Jon De Guzman ang Star sa paghakot ng 21-puntos habang may lima pang tumapos ng double digit. Ito ay sina Joey Viduya na may 16-puntos kabilang ang apat na triple, Arnel Ferrer na may 14 puntos, Alfred Bartolome na may 12 habang sina Rene Recto at Noel Cabales ay may tig-10 puntos.