2001 Open Boxing Championship: Balena binitbit ang PAF

IRIGA CITY - Ipinakita ng beteranong si Charlie Balena ang kanyang tikas upang pigilan ang kapwa niya beteranong internationalist at Army stalwart Anthony Igusquiza sa second round at ihatid ang Philippine Air Force sa maagangg pakikisosyo sa pangunguna sa kanilang kampanya sa 2001 National Juniors, Seniors and Women’s Open Boxing Championships dito.

Pinatanggap ni Balena, miyembro rin ng national training pool ng mga malalakas na suntok si Igusquiza sa kanilang light welterweight bout dahilan upang ang RP team mainstay ay magtala ng head blows dahilan upang mapuwersa ang referee na itigil ang kanilang laban sa 55 segundo ng second round. At ang hatol RSC-H.

Ang panalo ni Balena ang siyang pinaka-impresibo sa limang panalong naitala ng Airmen upang makatabla sa Navy at Army sa ikalawang araw ng kompetisyon ng isang linggong tournament na ito na hatid ng Iriga City government at ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP).

Ang iba pang umusad sa susunod na round ay sina Airmen Felipo Balena at Isagani Gamboa sa light flyweight class at Decebrix Ambilay at Elmer Pagdato sa flyweight division.

Nagtala rin ng panalo ang defending champion Army at mahigpit nilang karibal na Navy.

Umagaw ng eksena si Armyman Harry Tanamor nang maungusan niya si Lhyven Salazar ng Navy, 29-27 sa isang laban na animo’y makatotohanang kampeonato sa ligthfly class.

Ang iba pang nakapasok sa quarterfinals ay sina lightfly Ernanie Desaville, flyweights Violito Payla at Siegfred Dignos at welterweight top pick Romeo Brin,

Para sa Navy, pumasok naman sa quarters sina featherweights Gerry Lastrella at Rene Villaluz, lightwelter Salvador Tizon, welterweight Larry Semillano at light middleweight Junie Tizon.

Sa juniors division, pinangunahan ni paperweight Carlo Pablo Viceral ng Iriga ang mga qualifiers nang manalo kontra kay Rowel Jarne ng Sorsogon. Kasama niya na umusad sa susunod na round sina Rocky Jun Batolbatol ng Cadiz City, Reman Salimbat ng Bago City at Jerson Juntilano ng North Cotabato.

Show comments