Abante na ng 17 puntos ang Aces patungo sa huling 2:43 oras ng labanan nang sumiklab ang pagnanasa ng TJ Hotdogs na agawin ang tagumpay at pangunahan ni import Derrick Brown ang 16-3 run upang makalapit sa 102-106, matapos ang tres ni Boyet Fernandez.
Ngunit may 17 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro at tuluyan nang kinitil ng Alaska ang pangarap ng Purefoods na mapasakamay ang panalo nang umiskor ng dalawang free throws si Rodney Santos mula sa foul ni Brown, 9 segundo na lamang ang oras sa laro.
Sa likod ng panalong ito na ikatlong sunod ng Aces matapos ang li-mang dikit na pagkatalo, nadismaya si Alaska coach Tim Cone dahil nabigo silang higitan sa quotient ang TJ Hotdogs, na nanaig sa ka-nilang unang pagkikita na may 8-puntos na kalamangan, 97-89.
" I was dissapointed because we tried to get quotient back against Purefoods. We had a 13-points lead in the last three minutes and we let them go within 3. Now instead of quotient, we started to worry about simply winning the game at that point," ani Cone.
Kumalas ang Alaska sa ikalawang quarter nang magsanib ng puwersa sina Ali Peek at import Ron Riley upang hawakan ng Aces ang 11-puntos na kalamangan, 49-38 sa pagsapit ng halftime.
Mula sa anim na puntos na pagkakabaon, isang 19-6 run ang pina-kawalan ng Aces na bumura sa 32-30 pangunguna ng Purefoods sa kaagahan ng laban at ipundar ang 11-puntos na abante patungo sa second half.
Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang naglalaban ang Pop Cola Panthers at Barangay Ginebra bilang main game kagabi.
Nabalewala ang 48 puntos na kinamada ni Derrick Brown.