MBA 2nd Phase: Blades nais magdomina
October 17, 2001 | 12:00am
Pipilitin ng Batangas Blades na maipagpatuloy ang kanilang dominasyon kontra sa Socsargen-Taguig Marlins sa kanilang muling paghaharap ngayon sa MBA Second Phase sa St. La Salle Lipa Sentrum.
Pinayukod ng Blades ang Marlins, 112-90 sa kanilang unang paghaharap noong Sept. 2 at ito ang nais nilang duplikahin sa pang-alas-3 ng hapong sagupaan.
Inaasahang kakayod ng husto sina Romel Adducul, Eddie Luare at Alex Compton upang ihatid ang Blades sa kanilang ikawalong panalo na magpapakatatag ng kanilang kapit sa liderato at magsisiguro sa Batangas ng isang slot sa semifinals ng Northern Conference sanhi ng iniingatang 7-1 karta.
Ngunit tiyak na matinding hamon ang ilalabas ng Marlins dahil nais nilang manatiling buhay ang kanilang tsansa kung saan isang panalo pa lamang ang kanilang naitatala matapos ang 8-laro.
Sa isa pang laro na dadako sa USLS gym sa Bacolod City, magtitipan naman ang Davao at Negros Slashers sa alas-5:30 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended