PSA forum ngayon

Nakatakdang talakayin ngayon ang Metropolitan Basketball Association (MBA) sa hinaharap at ang nalalapit na 1st Asian Paragames sa PSA Forum sa Holiday Inn.

Ihahayag nina MBA operations manager Ramon Tuason at HILSADA president Mike Barredo ang kanilang mga plano sa public service program na ito na hatid ng Agfa Colors, Red Bull at McDonald’s.

Isa sa ihahayag ni Tuason ay ang mga plano ng MBA para sa susunod na taon na kinabibilangan ng ulat na posibleng pag-withdraw ng higanteng kumpanya ng ABS-CBN matapos ang apat na taong pakikipag-partner sa liga sa nakalipas na apat na taon.

Show comments