Aabot sa 28 koponan sa pangunguna ng defending champion Philippine Army at kinabibilangan ng mga koponan mula sa North Cotabato at iba pang branches ng Armed Forces of the Philippines ang sasabak sa aksiyon sa naturang three-in-one championships na inorganisa ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) sa kooperasyon ni Iriga Mayor Emmanuel Alferor.
Ang boxingfest na ito ay mayroong kompetisyon sa 12 weight classes para sa juniors at mens habang walo naman ang weight categories para sa womens.
Bukod sa mga medalya at tropeo na ipamamahagi sa mananalo sa team at individual, pararangalan rin sa isang linggong tournament ang best boxers sa bawat division gayundin ang tournaments best referee.
Ang mga kompetisyon sa seniors division ay ang pin-weight class (45 kgs.), light flyweight (48 kgs.), flyweight (51 kgs.), bantamweight (54 kgs.), featherweight (57 kgs.), lightweight (60 kgs.), light welter (63.5 kgs.), welterweight (67 kgs.), light middleweight (71 kgs.), middleweight (74 kgs.), light heavyweight (81 kgs.) at heavyweight (91 kgs.).
Ang sagupaan sa juniors ay magsisimula sa powderweight (36 kgs.) at mayroon ring mosquito (38 kgs.), vacuum (40 kgs.) at paper (42 kgs.) hanggang welter habang ang sa distaff side ay may kompe-tisyon mula pinweight hanggang welterweight.