^

PSN Palaro

Nielsen TKO kay Tyson

-
COPENHAGEN - Naging maganda ang kauna-unahang appearance ni dating world heavyweight champion Mike Tyson makalipas ang ilang taon matapos na pigilan si Brian Nielsen ng Denmark sa pagsisimula ng seventh round ng kanilang nakatakdang 10-round non-title fight noong Sabado.

Itinala ni Tyson sa Parken National Stadium ang kanyang panalo sa pamamagitan ng technical knockout makaraan ang isang segundo sa ika-pitong round matapos na tawagin ng referee na si Steve Smoger si Nielsen sa corner upang ipaalam na hindi na maaaring makakita ang kanyang kaliwang mata.

"My eye kept swelling and after the last few punches I could not see," ani Nielsen.

" I felt rusty," wika naman ng 35-anyos na si Tyson na maagang binugbog si Nielsen.

Nakitaan ng bahagyang pag-asa si Nielsen na ipinagbubunyi ng kanyang mga kababayan matapos na makaligtas sa unang round.

Subalit hindi ito pinayagan ni Tyson at isang kaliwa’t-kanang kumbinasyon sa third round ang muli niyang ibinigay sa 36-anyos na si Nielsen na napayupyop sa kanyang mga tuhod sanhi ng matinding sakit matapos na tumanggap muli ng low blow bago tumunog ang bell.

Binigyan ni referee Smoger si Nielsen ng limang minuto para makabawi bago siya muling magbalik sa aksiyon para lamang lalong tumanggap ng suntok mula sa mga kamay ng Amerikanong kalaban.

"I am very disappointed but I hope people will now give me some respect," sabi naman ni Nielsen.

Sinabi naman ni Tyson na "Nielsen was tough, he took some great shots."

AMERIKANONG

BINIGYAN

BRIAN NIELSEN

ITINALA

MIKE TYSON

NIELSEN

PARKEN NATIONAL STADIUM

STEVE SMOGER

TYSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with