PBA Governors' Cup: Valenzuela sinapawan si Jones
October 15, 2001 | 12:00am
Sinapawan ni Junthy Valenzuela ang intensibong laro ni Shell import Askia Jones nang humataw ito sa fourth quarter at ihatid ang Batang Red Bull sa 68-62 pamamayani sa pag-usad ng PBA Governors Cup eliminations sa Ynares Center sa Antipolo City kagabi.
Kumamada ng 11 puntos si Valenzuela sa kanyang tinapos na 17 puntos sa final canto upang ibangon ang Red Bull Thunder sa 61-56 kalamangan na umangat sa 65-59 matapos ang turn-around jumper ni import Ray Tutt, 40 segundo na lamang ang nalalabing oras sa labanan.
Kinabahan ang kampo ng Red Bull nang maikonekta ni Jones ang isang tres upang bigyang buhay ang Shell na nakalapit sa 62-56, 31 tikada pa ngunit kampanteng ipinasok ni Willie Miller ang kanyang dalawang free-throws matapos makahugot ng foul kay Dale Singson para sa panigurong 67-62 kalamangan ng Thunder, 14 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Umangat ang Red Bull sa 3-4 record matapos makabawi sa dalawang sunod na talo habang nalasap naman ng Shell ang ikatlong talo sa 7 laro na pumigil sa kanilang three-game winning streak.
Matapos mag-init ang puwet ni Jones na nabangko sa ikalawang quarter dahil sa foul-trouble, nag-apoy naman ito nang pumasok sa court sa second half nang humataw ito ng 14 puntos sa kabuuang 18-puntos na produksiyon ng Shell kontra sa 9 lamang ng Red Bull na nag-ahon sa Turbo Chargers sa 30-35 pagkakabaon sa halftime.
Gayunpaman, hindi kuntento si Red Bull coach Yeng Guiao sa kanilang panalo sa low scoring game na ito na pinakamababa sa kumperensiyang ito. "I feel na wala pa rin. Its evident in the score. Our defense won the game, we just compensate our offensive sluggishness with our intensive defense."
Mag-isang isinulong ni Jones ang Shell sa paghakot ng 36 puntos at wala nang iba pang naka-double digit habang tumapos lamang ng 15 puntos si Red Bull import Ray Tutt na ayon kay Guiao ay hindi naman nila gaanong inaasahan sa scoring.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended