^

PSN Palaro

Pilipinas sali sa World Cup champions sa Taipei

-
Sa kauna-unahang pagkakataon, makalipas ang maraming taon, mapapasabak na rin ang Philippines sa mga mahuhusay na koponan sa mundo sa pagbubukas ng 34th edisyon ng baseball’s World Cup champions na gaganapin sa susunod na buwan simula Nov. 6-18 sa tatlong lugar sa Taipei.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling mapapasama ang bansa sa quadrennial event na ito matapos ang huling paglahok noong 1959 kung saan ang Filipinos ay tumapos ng ikatlong puwesto sa likod ng Amerika at Canada.

Tinatayang aabot sa 16 bansa ang magpapakita ng aksiyon sa 13-araw na event na ito na dumaan sa kani-kanilang regional eliminations na pamumunuan ng three-time Olympic at Pan-American champion Cuba, Sydney gold medalist US at Canada. Magtatangka rin para sa karangalan ang Asian powerhouse Japan, Korea at host Chinese-Taipei.

Ang iba pang bansa ay kinabibilangan ng Latin American sa pangunguna ng Mexico, Venezuela at Panama. Ang Europe countries ay babanderahan ng France, Italy, Netherland at Russia, lahok naman ng Africa ang South Africa at isa lamang ang entry ng Oceania region ang Australia.

Nakakuha ang Philippines ng wild card entry matapos na umatras ang People’s Republic of China sanhi ng kanilang ‘One-China" policy at ng kanilang kasalukuyang diplomatic row sa Taiwan.

Nakatakdang magsimula ang kompetisyon sa Nov. 8 at ang 16 na kalahok na bansa ay hinati sa dalawang division kung saan ang Filipinos ay nakagrupo sa Group B kasama ang Cuba, US, Japan, Korea, Australia at Russia.

Ang Group A ay binubuo ng Chinese-Taipei, Mexico, Venezuela, Panama, Netherland, Italy, France at Canada.

Ito ay gagamitan ng single-round format na ang top three team sa bawat groupings ang siyang uusad sa six-team quarterfinals at sila ay maghaharap-harap para sa one-round-robin at ang top four ang siya namang magsasagupa para sa cross-over semifinals.

Ang dalawang pinakamahusay na koponan ang maglalaban naman para sa karangalan at ang lower rank squads ay magtitipan para sa third place.

ANG EUROPE

ANG GROUP A

CHINESE-TAIPEI

GROUP B

LATIN AMERICAN

NETHERLAND

REPUBLIC OF CHINA

SOUTH AFRICA

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with