Sina Noble at Mamaril ay isinilang na Filipino ang mga magulang, subalit lumaki sa Amerika.
Napasabak na rin ang 24-anyos, 6-5 na si Noble sa Philippine basketball nang sumapi ito sa Hapee-Filam team sa 2nd PBL Vis-Min Cup sa Dapitan City, Dipolog noong 1999.
Si Noble ay lumaro rin sa Utica College, isang NCAA division III school kung saan may averaged itong 11 points, limang rebounds at dalawang assists bilang offguard/small foreward.
Nahirang naman ang 66 na si Mamaril, anak ng PBA great na si Romulo Mamaril na MVP sa Delano High at lumaro rin sa Bakersfield College bago siya nakumbinse ng kanyang ama na hanapin ang suwerte sa bansa.
Kinuha ng La Salle sina James Yap ng UE Warriors, Kim Macaraig ng Philippine Christian University-Cagayan de Oro at PCUs three-point shooter Loreto Soriano II bago nag-passed sa fourth round.
Tanging si Clark Moore mula sa San Sebastian Stags ang napili ni coach Turo Valenzona ng Montana, habang tatlo naman ang kinuha ng Hapee Toothpaste sina Rodel Mallari ng Boysen, JRU Nathaniel Gregorio at FEU Tanaraw Dwight Chavez.
Napisil ng Blu Detergent sina UP Maroons Abraham Santos at di gaanong kilalang si Joel Solis mula sa La Salle-Dasmariñas, habang hinugot ng Ana ang UE slotman Jhayson Alminario bago nag-passed sa second round.
Apat na manlalaro ang pinili ng Shark Energy Drink sina Fil-Am Clarence Cole, Ismael Junio at Ronald Ruiz ng Letran at JRU Victorino Lazaro at napunta naman sa Welcoat sina Edilberto Mangulabnan ng Adamson, FEU forward Jose de Guzman at ang UE offguard Arnold Booker.