^

PSN Palaro

Fil-Am Noble, Mamaril top pick sa PBL

-
At gaya ng inaasahan, di sinayang ng Ateneo-Pioneer ang kanilang dalawang best picks at hinugot ang Fil-Americans na sina Mike Noble at Billy Mamaril kahapon sa ginanap na PBl Rookie Draft upang palakasin ang kanilang tsansa sa nalalapit na pagbubukas ng 2001 PBL Challenge Cup sa Nov. 3 sa Makati Coliseum.

Sina Noble at Mamaril ay isinilang na Filipino ang mga magulang, subalit lumaki sa Amerika.

Napasabak na rin ang 24-anyos, 6-5 na si Noble sa Philippine basketball nang sumapi ito sa Hapee-Filam team sa 2nd PBL Vis-Min Cup sa Dapitan City, Dipolog noong 1999.

Si Noble ay lumaro rin sa Utica College, isang NCAA division III school kung saan may averaged itong 11 points, limang rebounds at dalawang assists bilang offguard/small foreward.

Nahirang naman ang 6’6 na si Mamaril, anak ng PBA great na si Romulo Mamaril na MVP sa Delano High at lumaro rin sa Bakersfield College bago siya nakumbinse ng kanyang ama na hanapin ang suwerte sa bansa.

Kinuha ng La Salle sina James Yap ng UE Warriors, Kim Macaraig ng Philippine Christian University-Cagayan de Oro at PCU’s three-point shooter Loreto Soriano II bago nag-passed sa fourth round.

Tanging si Clark Moore mula sa San Sebastian Stags ang napili ni coach Turo Valenzona ng Montana, habang tatlo naman ang kinuha ng Hapee Toothpaste sina Rodel Mallari ng Boysen, JRU Nathaniel Gregorio at FEU Tanaraw Dwight Chavez.

Napisil ng Blu Detergent sina UP Maroon’s Abraham Santos at di gaanong kilalang si Joel Solis mula sa La Salle-Dasmariñas, habang hinugot ng Ana ang UE slotman Jhayson Alminario bago nag-passed sa second round.

Apat na manlalaro ang pinili ng Shark Energy Drink sina Fil-Am Clarence Cole, Ismael Junio at Ronald Ruiz ng Letran at JRU Victorino Lazaro at napunta naman sa Welcoat sina Edilberto Mangulabnan ng Adamson, FEU forward Jose de Guzman at ang UE offguard Arnold Booker.

vuukle comment

ABRAHAM SANTOS

ARNOLD BOOKER

BAKERSFIELD COLLEGE

BILLY MAMARIL

BLU DETERGENT

CHALLENGE CUP

CLARK MOORE

DAPITAN CITY

DELANO HIGH

EDILBERTO MANGULABNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with