Ang naturang laban ay undercard sa title defense ni World Boxing Council superfeatherweight champion Floyd Mayweather kontra sa No. 1 contender Jesus Chavez ng Mexico.
Nagtungo ng Los Angeles si Pacquiao kung saan magsasanay ito sa ilalim ni Freddie Roach kasama ang veteran Filipino trainer na si Ben Delgado at bago tumulak sa San Francisco, isang linggo bago sumapit ang araw ng kanyang nakatakdang laban.
Si Pacquiao ay babayaran ng $120,000 para sa laban na inayos ng kanyang business manager na si Rod Nazario at agent Murad Muhammad.
Sina Pacquiao, 22-gulang, at Sanchez, 31, ay kapwa nanalo ng kani-kanilang hawak na titulo sa Las Vegas noong Hunyo.
Pinabagsak ni Pacquiao si Lehlo Ledwaba para sa IBF title habang pinatulog naman ni Sanchez si Jorge Pabon Monsalvo para sa WBO crown.
Ite-televise ng Home Box Office (HBO) ang parehong championship fights ng live sa pay-per-view basis.
Ang kanilang co-promoter sa naturang event ay ang Bob Arum ng Top Rank at si San Francisco impresario Peter Howes na magpapalabas ng kanyang ikatlong boxing show sa huling anim na buwan.