^

PSN Palaro

Pacquiao vs Sanchez sa San Francisco

-
Makakasagupa ni International Boxing Federation (IBF) superbantamweight champion Manny Pacquiao si World Boxing Organization (WBO) titleholder Agapito Sanchez ng Dominican Republic sa 12-round unification bout sa 7,000-seat Bill Graham Civic Auditorium sa San Francisco sa Nov. 10.

Ang naturang laban ay undercard sa title defense ni World Boxing Council superfeatherweight champion Floyd Mayweather kontra sa No. 1 contender Jesus Chavez ng Mexico.

Nagtungo ng Los Angeles si Pacquiao kung saan magsasanay ito sa ilalim ni Freddie Roach kasama ang veteran Filipino trainer na si Ben Delgado at bago tumulak sa San Francisco, isang linggo bago sumapit ang araw ng kanyang nakatakdang laban.

Si Pacquiao ay babayaran ng $120,000 para sa laban na inayos ng kanyang business manager na si Rod Nazario at agent Murad Muhammad.

Sina Pacquiao, 22-gulang, at Sanchez, 31, ay kapwa nanalo ng kani-kanilang hawak na titulo sa Las Vegas noong Hunyo.

Pinabagsak ni Pacquiao si Lehlo Ledwaba para sa IBF title habang pinatulog naman ni Sanchez si Jorge Pabon Monsalvo para sa WBO crown.

Ite-televise ng Home Box Office (HBO) ang parehong championship fights ng live sa pay-per-view basis.

Ang kanilang co-promoter sa naturang event ay ang Bob Arum ng Top Rank at si San Francisco impresario Peter Howes na magpapalabas ng kanyang ikatlong boxing show sa huling anim na buwan.

AGAPITO SANCHEZ

BEN DELGADO

BILL GRAHAM CIVIC AUDITORIUM

BOB ARUM

DOMINICAN REPUBLIC

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

HOME BOX OFFICE

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with