'Philippine-Korean Collision sa Casino Filipino
October 5, 2001 | 12:00am
Handa nang lumaban ang mga Koreanong sina Lee Jong Bum, Kim Jae Choon at Kim Hee Wan sa pinakahihintay na Philippine-Korean Collision na nakatakda sa October 6 na gaganapin sa Casino Filipino sa Parañaque.
Ang tatlong Korean fighters ay dumating kahapon ng alas-11:50 ng umaga mula sa Seoul, Korea at sinalubong ng kilalang boxing promoter na si Gabriel Bebot Elorde.
"We didnt come here to lose face and disgrace our country. We are here well-prepared and ready for battle," ani Lee Jong Bum sa pamamagitan ng interpreter.
Nakatakdang labanan ni Lee Jong Bum si Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) champion Tiger Ari. Si Bum ay may 10 panalo, 4 ang talo at isa ang draw. Kabilang dito ang 7 knockout.
Iisa lamang ang nasa isip ng mga Koreano at ito ang bigyan ng karangalan ang kanilang pinagmulang bansa kayat inaasahang ipapamalas ng mga ito ang kanilang galing sa non-title fight sa loob ng 10 rounds.
Para naman kay WBC international flyweight champion Randy Mangubat, mabigat ang kanyang makakalaban sa katauhan ni Kim Jae Choon na nagmamalaki ng kanyang record na 13 panalo, 3 talo kabilang ang 7 knockouts.
Di rin basta-basta si Kim Hee Wan na may impresibong 12 panalo, 4 talo at 2 draws kabilang ang 6 knockouts na mapapasabak kay Ernesto Rubillar, ang WBC International minimumweight champion.
Ang boxing fest na ito ay hatid ng Elorde International productions sa pangangasiwa ni Gabriel Bebot Elorde Jr. at suportado ng Casino Filipino-Paranaque. Para sa karagdagang detalye, tumawag sa 825-7229.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest