Kinailangan ng Ana na maging matatag sa huling segundo ng labanan upang maitakas ang 84-83 panalo kontra sa Wangs Ball Club, habang pinigilan naman ng Blu Detergent sa siyam na puntos ang Sure-shot Sports Management sa third quarter para maitala ang 80-65 tagumpay.
Bunga ng panalong ito, muling mapapasabak ang Freezer Kings at Detergent Kings sa iba pang PBL teams sa pagsisimula ngayon ng semis round sa Ateneo Blue Eagles gym.
Makakaharap ng Ana ang Welcoat Paints sa main encounter dakong alas-5 ng hapon, habang sasabak naman ang Blu Detergent sa sister team Shark Energy Drink sa alas-3.
Humakot sina Ronald Tubid at Dondon Mendoza ng tig-22 puntos upang pamu-uan ang kanilang koponan, ngunit mas pumukaw ng pansin ang beteranong point guard na si Robin Mendoza na siyang nagsalpak ng nagpana-long free throw upang ihatid ang Ana sa panalo.
Bagamat nakalubog sa 10-puntos ang Wangs Ball Club, 80-70, may tatlong minuto na lamang ang nalalabi sa laro, hindi sila basta-basta nagpaiwan at nagbaba ang tropa ni coach Jerome Cueto sa pangunguna nina Billy Mamaril, Edrick Ferrer at Mike Noble ng 12-3 run upang maibaba ang trangko sa 82-83 na tinampukan ng tres ni Noble.