Tinapos ng Stags ang serye sa 2-1 na ayon kay coach Turo Valenzona, ito ay simula na ng muling pagbabalik sa tagumpay ng Recto-based dribblers upang masundan ang kanilang itinalang five-peat feat noong 1997.
Hindi rin inaasahan ni Valenzona na ang deciding Game Three ay magiging isang lopsided na panalo para sa Stags matapos na hindi maging maganda ang performance ng kanyang tropa sa Game Two dahilan upang maitabla ng Heavy Bombers ang serye sa 1-1.
Ngunit pumabor pa rin sa Stags ang suwerte at kanilang nakamit ang 95-62 tagumpay.
"I never expected it to be lopsided. Masama ang laro namin sa Game Two. Nawala ang depensa namin noon at napabayaan ang shooters ng kalaban. And aside from our dismal turnovers, we also missed 17 from the free throw line," pahayag pa ni Valenzona.
"I told the boys that individuality, we do not stand a chance in winning the championship. But if we work more as a team, well have a good chance against Jose Rizal. Sabi ko, nag-sacrifice na tayo, We ended No. 2 after the elimination round and were still the best defensive team in the NCAA. We should not let the title slip off our hands," dagdag pa ng multi-titled coach.
At ito nga ang ginawa ng Stags. Naglabas sila ng matatag na opensa at mala-moog na depensa upang di makagawa ang Heavy Bombers ng solusyon para di makawala sa trap.
Ito ang ikaanim na korona ni Valenzona para sa San Sebastian. Tanging sina Mark Macapagal at Bernardo Mercado ang matatanggal sa susunod na season sa koponan. Pero nakakuha na agad ang San Sebastian ng mahusay na kapalit sa katauhan ng 69 na si Francis de Leon, Christopher Baluyot at isa pang six-foot-five.