^

PSN Palaro

NCAA Championship Post Mortem

-
Team effort at determinasyon ang naging susi ng San Sebastian Colleges sa pagsungkit ng 77th National Collegiate Athletic Association seniors title kontra sa Jose Rizal University noong Miyerkules.

Tinapos ng Stags ang serye sa 2-1 na ayon kay coach Turo Valenzona, ito ay simula na ng muling pagbabalik sa tagumpay ng Recto-based dribblers upang masundan ang kanilang itinalang five-peat feat noong 1997.

Hindi rin inaasahan ni Valenzona na ang deciding Game Three ay magiging isang lopsided na panalo para sa Stags matapos na hindi maging maganda ang performance ng kanyang tropa sa Game Two dahilan upang maitabla ng Heavy Bombers ang serye sa 1-1.

Ngunit pumabor pa rin sa Stags ang suwerte at kanilang nakamit ang 95-62 tagumpay.

"I never expected it to be lopsided. Masama ang laro namin sa Game Two. Nawala ang depensa namin noon at napabayaan ang shooters ng kalaban. And aside from our dismal turnovers, we also missed 17 from the free throw line," pahayag pa ni Valenzona.

"I told the boys that individuality, we do not stand a chance in winning the championship. But if we work more as a team, we’ll have a good chance against Jose Rizal. Sabi ko, nag-sacrifice na tayo, We ended No. 2 after the elimination round and we’re still the best defensive team in the NCAA. We should not let the title slip off our hands," dagdag pa ng multi-titled coach.

At ito nga ang ginawa ng Stags. Naglabas sila ng matatag na opensa at mala-moog na depensa upang di makagawa ang Heavy Bombers ng solusyon para di makawala sa trap.

Ito ang ikaanim na korona ni Valenzona para sa San Sebastian. Tanging sina Mark Macapagal at Bernardo Mercado ang matatanggal sa susunod na season sa koponan. Pero nakakuha na agad ang San Sebastian ng mahusay na kapalit sa katauhan ng 6’9 na si Francis de Leon, Christopher Baluyot at isa pang six-foot-five.

vuukle comment

BERNARDO MERCADO

CHRISTOPHER BALUYOT

GAME THREE

GAME TWO

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MARK MACAPAGAL

SAN SEBASTIAN

VALENZONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with