Alin sa dalawang ito ang magkakaroon ng kaganapan sa pagpinid ngayon ng Game Two ng UAAP mens basketball tournament finals na gaganapin sa Araneta Coliseum, sa alas-5 ng hapon.
Taglay na ng La Salle ang bentaheng 1-0 kala-mangan sa best-of-three matapos ang 74-68 pamamayani sa pagbubukas ng serye noong nakaraang Huwebes sa Big Dome din.
Dahil dito, kung magtatagumpay ngayon ang Archers ay matatapatan nila ang naitalang four-peat ng University of Santo Tomas.
May balitang naapektuhan ang kampo ng La Salle sa kumalat na virus sa La Salle Greenhills kamakalawa sanhi ng pagkakasakit ng 80% ng koponan. Nagsisimba ang buong team sa Greenhills tuwing Martes.
Dinala sa ospital ang mga naapektuhang players na kinabibilangan ng kanilang star players, ngunit kahapon ay nakalabas na ang ilan maliban na lamang kina Adonis Sta. Maria at Manny Ramos.
Kumalat ang balitang kanselado ang laro ngayon dahil sa naturang airborn viral flu, ngunit itinanggi, "the show must go on," ani UAAP president Anton Montinola ng host Far Eastern University.
Kung papalarin ang La Salle ay ito ang kanilang ikaanim na titulo sa pangkalahatan at ikaapat na sunod sa huling walong diretsong finals appearance.
Sa labang ito, malaki ang pag-asa ng Blue Eagles na maitabla ang serye dahil sa malaki ang kanilang bentaheng hawak dahil sa pagkakasakit ng karamihan sa mga players ng Archers bukod pa ang pagkakasuspindi ni Carlos Sharma.
Mauuna ritoy, hangad ding itiklop ng UST Tiger Cubs ang juniors finals sa kanilang pakikipagharap sa defending champion Ateneo Blue Eaglets sa pambungad na laban sa ganap na alas-3:30 ng hapon.
Sa ladies division, naisulong naman ng Lady Archers ang 1-0 bentahe kontra sa University of the Philippines matapos ang 56-53 pamamayani kahapon sa Ateneo Gym.
Samantala, magkakaroon naman ng awarding ceremonies bago simulan ang seniors finals kung saan ihahayag ang Most Valuable Player, Rookie of the Year at Mythical Five.