Humatak ang Blu ng 101-49 panalo kontra sa Whiz Super Oil, habang isinalba naman nina Dennis Kollin at Joseph Galongca ang Chopat sa huling maiinit na bahagi ng labanan sa final canto upang itala ang 87-76 come-from-behind na panalo.
Tumapos sina Egay Billiones at Eric dela Cuesta ng tig-17 puntos kung saan kumana ang Detergent Kings ng 50 puntos mula sa 35 ulit na pagtatapon ng bola ng Lubricants.
Nagdagdag din si Tristan Codamon ng 14 puntos, bukod pa ang anim na rebounds at tatlong assists, habang 12 puntos naman ang kay Marlon Legaspi at walong rebounds.
Naghabol ang Chopat sa unang tatlong quarters kung saan huling umabante ang La Union sa 64-62 patungong final canto.
Isang split at jumper ni Christopher Tolentino ang nagdala sa Chopat sa 65-66, bago sinundan ng tres ni Kollin ang umagaw ng trangko sa 68-67 pabor sa Chopat.
Tuluyan ng diniskaril ng Chopat ang pagbabanta ng La Union nang kanilang ilatag ang 12-2 bomba para palobohin ang kanilang kalamangan sa 80-69, 2:23 ang nalalabing oras sa laro.