Sino ang magiging team champion sa NCAA?
October 2, 2001 | 12:00am
Importanteng panalo ang pag-aagawan ngayon ng Jose Rizal University at San Sebastian College sa kanilang nakatakdang sudden-death match para sa korona ng 77th National Collegiate Athletic Association seniors basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Nakatakda ang banatan ng Stags at Heavy Bombers sa dakong alas-3:30 ng hapon na live na ipalalabas ng Media Conglomerates Inc., sa pamamagitan ng Silver-star Communications sa NBN-4.
Sa labang ito, tangka ng Jose Rizal na maisukbit ang kanilang ikaanim na NCAA seniors title na tatapos sa kanilang 29-taong tagtuyot sa titulo.
Ngunit para naman sa Stags, nais nilang maibalik ang tagumpay sa naitalang five-peat feat noong 1997 kung saan asam ng Recto-based dribblers na maibulsa ang kanilang ika-10th korona.
At dahil isa lamang ang dapat na manalo, siguradong ngipin-sa-ngipin ang magiging labanan ng Stags at Heavy Bombers kung sino sa dalawa ang may malakas na intensidad, determinasyon at consistency ang siyang mag-uuwi ng korona.
Sa kasalukuyan, tabla ang serye ng Stags at Heavy Bombers sa 1-1, matapos na makauna ang San Sebastian, 74-77 sa Game One, buma-ngon naman ang Jose Rizal sa Game Two nang kanilang iposte ang 95-81 panalo.
Tinatayang nasa panig ng JRU ang momemtum bunga ng kanilang huling panalo at posibleng maibsan na ang kanilang pagkauhaw sa titulo.
"We lived another day, and we expect Game Three to be a different ballgame. For sure, babawi ang San Sebastian. But we will be ready for the challenge. Gumawa kami ng adjustments to further strengthen our game defensively and offensively," ani Jose Rizal coach Boy de Vera.
"The best thing to do is to stop their shooters and control the boards. But above that, we must play more consistent offensively and defensively," sabi naman ng multi-titled coach ng San Sebastian na si Valenzona.
Nauna rito, mag-uunahan rin sa pagsukbit ng korona ang San Beda Red Cubs at Letran Squires sa kanilang do-or-die game sa ala-1 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended