Testimonial dinner para sa mga atleta
October 1, 2001 | 12:00am
Isang testimonial dinner ang papangunahan ni Philippine Sports Commission Chairman Carlos Butch Tuason para sa mga atleta at opisyal ngayong gabi sa PSC Basketball Stadium sa Ultra.
Walang iba kundi si First Gentleman Mike Arroyo ang espesyal na panauhin at mananawagan para sa pagsasamasama at pagkakaisa sa sports community.
Sa naturang okasyon, ipapamahagi rin nina Arroyo at Tuason ang mga cash incentives sa mga medal winners noong nakaraang Southeast Asian Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ang programa ay magsisimula sa alas-7 ng gabi kung saan ang mga pinuno ng ibat ibang National Sports Associations (NSAs), Philippine Olympic Committee at iba pang organisasyon ay inaasahang dumalo.
"This affair is really for all the Filipinos who believe there is hope for Philippine Sports," ani Tuason. "That we can achieve a lot of things just being united."
Sinabi rin ni Tuason na nakaraang pakikipagpulong sa mga NSA heads, nangako ang mga ito na makikibahagi sa pagkakaisa ng PSC at POC tungo sa ikata-tagumpay ng sports sa bansa.
"The First Gentleman was so glad to hear from the NSA heads their willingness to mend fences torn by leadership struggles and differences in opinion," sabi ni Tuason.
Ang pagkakaayos ng problema sa basketball ayon Tuason ay isang malaking bagay upang maisip ng mga NSA na oras na para kalimutan ang lahat ng problema at isaalang-alang ang kapakanan ng mga atleta at ng bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended