The Friendship League: Basketball tournament para sa mga advertising at business partners ng The Philippine STAR

Itataguyod ng The Philippine Star ang invitational basketball tournament na tinaguriang The Friendship League na magsisimula sa Oktubre 13, ayon kay Miguel Belmonte, Presidente at CEO ng kumpanya.

Inorganisa ang liga sa layuning magkaroon ng lugar para sa advertising clients at business partners ng The Philippine Star para higit na malapit na personal relationship at pagkakaibigan ang mga ito. Ang bawat team ay bubuuin ng mga kinatawan ng management, supervisory at rank and file staff.

Anim na koponan ang maglalaban-laban sa unang pagtatanghal ng nasabing tournament ito’y ang RFM all-Stars na babanderahan ng kanilang

President /CEO Joey Concepcion; Team ABS-CBN, na nagkampeon kama-kailan sa broadcasters league; selection mula sa Bankers Athletic Association members RCBC at UCPB; ang powerhouse team mula sa San Miguel Corporation na pangungunahan ng tatlong ex-PBA veterans at ang host Philippine Star, 5-time Inter-Publication Champion.

Ang mga laban ay gaganapin tuwing araw ng Sabado sa Meralco Gym.

Ang kauna-unahang Friendship League na ito ay maggiging annual basketball tournament at ito ay bukas para sa lahat ng Philippine Star advertisers at kaibigan.

Ang The Philippine Star basketball team ay suportado ng Adidas.

Show comments