^

PSN Palaro

NCAA Basketball Championships: Sudden death naipuwersa ng JRU vs San Sebastian

-
Naipuwersa ng Jose Rizal University ang do-or-die na Game-Three matapos ang 95-81 panalo sa Game-Two ng Finals ng NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Matapos malasap ang 74-77 pagkatalo sa pagbubukas ng best-of-three series noong Huwebes, bumuwelta ang JRU Heavy Bombers upang itabla ang serye sa 1-1 panalo-talo at itakda ang deciding Game Three sa Martes.

Sa juniors division, dinala rin ng San Beda Red Cubs sa winner-take-all match ang final series kontra sa Letran Squires matapos iposte ang 80-70 panalo sa Game-Two ng kanilang sariling best-of-three series.

Pinangunahan ni Ernani Epondulan ang Heavy Bombers sa paghakot ng 26 puntos, 7-rebounds at 2-steals. Si Epondulan ang nagpasimuno ng pag-arangkada ng Jose Rizal sa ikalawang quarter at di na muling lumingon pa.

Pinangunahan ni Epondulan ang eksplosibong 26-8 run ng Bombers upang makaahon mula sa 6-point deficit at iposte ang 47-35 kalamangan sa pagsapit ng halftime mark.

Kinakitaan ng determinasyon ang Baste na tapusin na ang laban nang kanilang ilapit ang iskor sa 51-58, ngunit hindi naman nagpabaya ang kampo ng Bombers nang muli nilang ilayo ang kalamangan at iposte ang pinakamalaking kalamangan na 89-71 na kanilang naging tuntungan sa tagumpay.

Katulong ni Epondulan ay si Philip Finuliar at Villarin na nagposte ng 14 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Jose Rizal.

EPONDULAN

ERNANI EPONDULAN

GAME THREE

GAME-TWO

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN SQUIRES

PHILIP FINULIAR

PINANGUNAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with