Pinangunahan ni Dolphy Eilinger ang Wangs Ballclub sa paghakot ng 15-puntos na sinuportahan naman ng 13 ni Fil-Am Miguel Noble.
Tulad ng Wangs Ballclub, isang panalo na lamang ang kailangan ng Shark para makapasok sa semis matapos ang 74-64 pananalasa sa Tranfex Brokerage para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.
Ito rin ang ikalawang sunod na panalo ng Wangs Ballclub habang nalasap naman ng Ana ang kanilang unang pagkatalo sa tatlong laro na naging dahilan para masayang ang impresibong laro ni Roland Pascual na tumapos ng 31 puntos, 13 rebounds, 3 assists at 3 steals.
Pinangunahan naman ni Egay Billones ang Blu sa paghakot ng 12-puntos sa final quarter para sa ikatlong sunod na panalo ng Detergent Kings.