NCAA Basketball Championships: Bombers unos sa Stags
September 28, 2001 | 12:00am
Impresibong depensa ang ipinamalas ng San Sebastian College sa huling dalawang minuto ng labanan upang igupo ang Jose Rizal University, 77-74 kahapon sa simula ng 77th National Collegiate Athletic Association finals sa Rizal Memorial Coliseum.
Nanguna sa malabakod na depensa ng Stags si Pep Moore na tumapos ng 15-puntos habang naghatid naman sina Roy Falcasantos at Mark Macapagal ng importanteng puntos sa endgame upang angkinin ang Game-One ng best-of-three championship series.
Bumangon ang Heavy Bombers sa ikatlong quarter nang umiskor ng dalawang triple si Joel Villarin at sumuporta naman sina veteran Ariel Capus at Ernani Epondulan upang ihatid ang Jose Rizal sa 59-53 pangunguna patungong final quarter.
Ngunit isang 11-2 run ang pinagtulungan nina Christian Coronel at Jam Alfad upang kunin ng Baste ang 64-61 pangunguna, 7:27 ang nalalabing oras sa laro at di na muling lumingon pa.
Sa juniors division, nakalapit naman sa titulo ang Letran Squires nang kanilang igupo ang San Beda Red Cubs sa Game One ng kanilang sariling best-of-three championship series.
Pinatunayan ni Jay-R Reyes, tumapos ng 15-puntos, 18-rebounds at 4-blocks, na karapat-dapat itong maging juniors MVP-Rookie nang umaksiyon ito sa huling 4:20 oras ng labanan kung saan nagtala ito ng anim na puntos sa pivotal 8-0 run na nagdala sa Squires sa panigurong 70-61 pa-ngunguna, isang minuto na lamang ang nalalabing oras sa labanan. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am