Binarao pumalo ng 7 hits
September 25, 2001 | 12:00am
Naglabas ng impresibong paghataw si Orlando Binarao nang pumalo ito ng pitong hits upang trangkuhan ang defending champion Navy at silatin ang Air Force, 6-5 upang kunin ang Game One ng kanilang best-of-three series para sa 12th PABA Presidential Cup tournament noong Linggo sa Rizal Ballpark.
Bunga ng kanyang pitong hits at limang runs, natabunan ni Binarao ang kanyang nakakadismayang performance sa unang tatlong innings upang pamunuan ang Sea Dragons sa kanilang five-run four hit third inning na atake na may run-single bago tuluyan nilang nakuha ang composure sa pamamagitan ng nag-iisang hits.
Nauna rito, nagtala si Binarao ng run-single sa first canto upang makalapit sa Airmen sa 1-3, ngunit sinagip ng kanyang teammate na si Jasper Cabrera ang Sea Dragons nang umiskor ito ng dalawang runs sa third inning salvo upang ibigay sa Navy ang momentum.
Ang panalo ay naglapit sa Navy na maisukbit ang kanilang ikaapat na sunod na korona sa nakatakdang Game Two ng kanilang laro sa Sabado, alas-12 ng tanghali matapos ang sagupaan sa pagitan ng Army at Philab para sa third place sa alas-9 ng umaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended