Humataw si Jasper Braga ng dalawang markers sa tagumpay ng DBTI--isang short stab sa unahan ng goal sa 52nd minute at isa pa nang kanyang lusutan ang JLNHS defender sa one-on-one play.
Isinelyo ni Fil-German striker Christopher Darmstadter ang panalo ng DBTI matapos na umiskor sa looper sa 68th minute.
Ang panalo ng DBTI ang siyang tumapos sa pananalasa ng JLNHS at itakda ang all-Visayas finals na nakatakda dito sa December.
Ito rin ang kauna-unahang korona para sa Bosconians sa loob ng apat na taong pakikipaglaban na kanilang magandang regalo para sa kanilang coach na si Reymando Baldava na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Linggo.
Sa iba pang laro, binawian naman ng JLNHS boys ang West Negros College nang kanilang sibakin ang naka-raang taong national at provincial champion sa semis round sa iskor na 4-0.
Kinumpleto ng Colegio de Santo Tomas-Recoletos ang pananalasa sa Wesnecans nang kanilang igupo ang dating kampeon, 2-0 sa konsolasyong ikatlong puwesto.
Nahirang ang Don Bosco sweeper Francis Liza na Most Valuable Player ng torneo.