^

PSN Palaro

Don Bosco, kampeon sa Negros Occidental

-
BACOLOD CITY -- Binokya ng paboritong Don Bosco Technical Institute ang bagitong Julio Ledesma National High, 3-0 noong Linggo upang ibulsa ang Negros Occidental Coke Go-for-Goal under-16 football title sa Paglaum Sports Complex dito.

Humataw si Jasper Braga ng dalawang markers sa tagumpay ng DBTI--isang short stab sa unahan ng goal sa 52nd minute at isa pa nang kanyang lusutan ang JLNHS defender sa one-on-one play.

Isinelyo ni Fil-German striker Christopher Darmstadter ang panalo ng DBTI matapos na umiskor sa looper sa 68th minute.

Ang panalo ng DBTI ang siyang tumapos sa pananalasa ng JLNHS at itakda ang all-Visayas finals na nakatakda dito sa December.

Ito rin ang kauna-unahang korona para sa Bosconians sa loob ng apat na taong pakikipaglaban na kanilang magandang regalo para sa kanilang coach na si Reymando Baldava na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Linggo.

Sa iba pang laro, binawian naman ng JLNHS boys ang West Negros College nang kanilang sibakin ang naka-raang taong national at provincial champion sa semis round sa iskor na 4-0.

Kinumpleto ng Colegio de Santo Tomas-Recoletos ang pananalasa sa Wesnecans nang kanilang igupo ang dating kampeon, 2-0 sa konsolasyong ikatlong puwesto.

Nahirang ang Don Bosco sweeper Francis Liza na Most Valuable Player ng torneo.

vuukle comment

CHRISTOPHER DARMSTADTER

DON BOSCO

DON BOSCO TECHNICAL INSTITUTE

FRANCIS LIZA

JASPER BRAGA

JULIO LEDESMA NATIONAL HIGH

LINGGO

MOST VALUABLE PLAYER

NEGROS OCCIDENTAL COKE GO

PAGLAUM SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with