9th Codiñera Memorial Chessfest

Ginaganap na ang patalaan para sa 9th annual Codiñera Memorial Chess Tournament simula ngayon sa 2/F Center Mall, Greenhills Shopping Center (GSC) sa San Juan at sa MCC office sa Parañaque na may tel. no. 8268560 at 09193310206.

Ang isang araw na event na ito na suportado ng Milo, Fabcon Phils., RFM Corp., Awards Specialists, Winter House at Ortigas & Company Partnership Ltd., ay hinati sa dalawang sections: Open at Unrated.

Gagamitan ang P45,000 tourney ng seven-round Swiss System at time control na 25 minutos kada player sa pagpili ng top ten finishers sa dalawang division at pitong best performers sa iba’t ibang kategorya na tatanggap ng cash prize, tropeo at medals.

Ang maagang nagpatala ay kinabibilangan nina dating Asian Junior champion IM Rafaelito Maninang Jr., National Masters Mirabeau Maga, Jerry Nodado, Carlos Cabuenos at Eduardo Agagon, Milo Checkmate kids sa pangunguna ng 9-anyos na si Gabby Layugan mag-aaral mula sa Bulacan College of Arts and Trades at St. James College of Parañaque, beteranong non-masters campaigners Roldan de Leon, Roberto Cacho, Louie Polistico, Bhong Aureada, Gil Natividad, Andres Torren at Magellan Bagayna.

Magbibigay rin ng mga souvenir t-shirst para sa maagang magpapatala. Ang nasabing event ay sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines.

Tatanggap ang open champion ng top prize na P7,000, habang ang unrated winners at magbubulsa ng P3,000, bukod pa ang tropeo. Pagkakalooban din ng P1,000 bilang special awards ang mga best performers sa mga sumusunod na kategorya: 2100 below; 2000 below; 1900 below; kiddie under-10 at under-14; top lady at top senior.

Tatanggapin pa ang mga magpapalista sa nasabing venues hanggang Sept. 29.

Show comments