^

PSN Palaro

Tumiklop na ang telon sa boxing career ni Peñalosa

-
Tuluyan ng tumiklop ang telon sa boxing career ni Gerry Peñalosa maka-raang lumasap ito ng kabiguan sa mga kamay ni Japanese Masamori Tokuyama sa kanilang 12-round bout kahapon sa Yokohama Arena dito.

Sa ikalawang pagkakataon, matagumpay na naidepensa ni Tokuyama ang kanyang World Boxing Council super flyweight title sa pamamagitan ng unanimous decision laban sa Pinoy challenger na si Peñalosa sa kanilang laban na sinak-sihan ng mahigit sa 8,000 spectators.

Si Tokuyama ay kapwa nakakuha ng iskor mu-la sa mga Amerikanong hurado na sina Chuck Williams at Chuck Hassett ng 115-113, habang iniskuran naman siya ni John Keanne ng Britain ng 116-113 na pabor lahat sa Japanese born na ang angkan ay mula sa North Korea.

Sa umpisa pa lamang ng laban ay agad na nagpakawala ang 27-anyos na si Tokuyama, na ang tunay na pangalan ay hango sa Korean naman na Hong Chang Soo, ng ilang serye ng mga right blows kontra sa Pinoy.

Gayunman, nagagawa ng 29-anyos na si Peñalosa, WBC super flyweight No. 1 contender at dating kampeon na makadepensa upang di tumama ang ilan sa mga suntok ni Tokuyama.

Ngunit pagdating sa ninth round, umagos ang dugo sa ibabaw ng kilay ni Peñalosa at dito niya nagawang atakihin si Tokuyama ng ilang serye ng combinations ng mga suntok na dahilan upang mapuwersa ang Japanese sa corner.

Bunga ng panalong ito, nakatakdang idepensa ni Tokuyama sa ikatlong pagkakataon ang kayang korona na napagwagian mula kay Cho In-Joo ng South Korea dito noong Agosto 27, 2000 sa pamamagitan rin ng 12-round unanimous decision.

Nauna rito, nilukuban naman ni Rev Santillan ang kabiguan ni Peñalosa nang matagumpay niyang naidepensa ang kanyang Orient-Pacific Boxing Federation Welterweight title matapos na pigilan ang Japanese challenger na si Kenji Go ng Japan.

CHO IN-JOO

CHUCK HASSETT

CHUCK WILLIAMS

GERRY PE

HONG CHANG SOO

JAPANESE MASAMORI TOKUYAMA

JOHN KEANNE

KENJI GO

NORTH KOREA

TOKUYAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with