MBA 2nd Phase: Batangsa,Negros nais ipagpatuloy ang winning streak
September 23, 2001 | 12:00am
Sisikapin ng LBC Batangas at Negros Slashers na mapalawig ang kani-kanilang winning streak sa kanilang nakatakdang magkahiwalay na laban ngayon sa pagpapatuloy ng MBA Second Phase sa San Luis Sports Complex sa Sta, Cruz. Laguna.
Makakaharap ng Negros ang Socsargen Marlins sa alas-3 ng hapon, bago susunod ang engkuwentro ng Batangas Blades na umaasang mauulit nila ang kanilang naunang panalo kontra sa Laguna Lakers sa dakong alas-5:30 ng hapon
Habang ang Slashers ay bahagyang paborito kontra Marlins, inaasahan naman ang mahigpit na hamon ang kakaharapin ng Blades kontra sa Lakers.
Tinalo ng Blades ang Lakers, 95-80 sa kanilang unang paghaharap, ngunit maaaring magkaroon ng pagbabago ngayon sa koponan ng Lakers.
Gagawing sandigan ng Lakers ang kanilang naitalang 115-89 pamamayani kontra sa Socsargen noong Miyerkules upang supilin ang Blades sa kanilang tangka.
Isa sa sasamantalahin ng Lakers ay ang hindi paglalaro ni Stephen Antonio na lumipad patungong Amerika upang ayusin ang kinakaharap na family problem.
Siguradong babanderahan nina Romel Adducul at Eddie Laure, miyembro ng RP team at Chris Corbin ang kanilang kampanya, ngunit tiyak na tatapatan naman ito nina Jeffrey Flowers, Val Domingo, Chris Nicdao at Rolly Menor upang iangat ang kanilang koponan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended