^

PSN Palaro

Villanueva nangunguna sa MVP sa UAAP Basketball

-
Hawak na ni Enrico Villanueva ng Ateneo de Manila University ang pangunguna para sa karera ng UAAP Most Valuable Player sa pagtatapos ng eliminations, ngunit maari itong magbago kung iimplementa ang pagbabago ng alituntunin ng liga at ang tropeo ay mapupunta s aiba.

Humakot ang sentro ng Blue Eagles ng player’s average value (PAV) na 19.40, habang mahigput niyang karibal ang teammate na si Richard Alvarez, ang nakaraang taong MVP na may 18.50.

Binigyan si Villanueva ng one-game suspension s kalagitnaan ng second round matapos na makipagsuntukan kay Steven Roland ng Adamson U sa third canto ng kanilang laban noong Aug. 30 kung saan nanalo ang Ateneo, 63-61.

Si Villanueva ay sinuspindi rin ng nakaraang taon dahilan upang madiskuwalipika para sa karera ng MVP.

Nasa 3rd at 4th place naman sina Leo Avenido at Rysal Castro ng FEU na may 18.35 at 15.90, ayon sa pagkakasunod.

Nasa ikalimang puwesto ang Dela Salle University na si Ren-Ren Ritualo na may 15.55.

ADAMSON U

ATENEO

BLUE EAGLES

DELA SALLE UNIVERSITY

ENRICO VILLANUEVA

LEO AVENIDO

MANILA UNIVERSITY

MOST VALUABLE PLAYER

REN-REN RITUALO

RICHARD ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with