MBA babalik sa aksiyon
September 19, 2001 | 12:00am
Makaraang katawanin ang bansa sa natapos ng 21st Southeast Asian Games, magbabalik na ang aksiyon sa 2001 Metropolitan Basketball Association (MBA) Second Phase Championship ngayon sa San Juan Gym.
Bunga ng All-star selection sa pamumuno ni MBA stalwart Rommel Adducul ng LBC Batangas, matagumpay na naidepensa ng national squad ang mens basketball crown nang kanilang ma-sweep ang six-nation tournament sa Kuala Lumpur, Malaysia matapos na igupo ang host country sa iskor na 81-59.
Sisimulan naman ng defending champion Andoks San Juan ang kanilang kampanya sa pagpapanatili ng korona sa kanilang nakatakdang pakiki-pagbangga sa Negros Slashers sa main game, dakong alas-5 ng hapon matapos ang sagupaan sa pagitan ng FedEx Lagu-na at Socsargen Marlins sa alas-3 kung saan mag-uunahan sila sa pagpasok sa win column.
Siguradong babanderahan ng tatlong miyembro ng national squad ang San Juan sa pangunguna nina Christian Calaguio, Omanzie Rodriguez at Chito Victolero upang dalhin ang Knights sa kanilang ikaapat na sunod na panalo mula ng kanilang sungkitin ang best-of 5 series sa First Phase para sa titulo kontra Slashers sa 3-1.
Ngunit nakahanda ang Negros na siguradong sasandig din sa tatlo nilang mainstay ng national team na sina John Ferriols, Reuben dela Rosa at Jomar Tierra na atat na atat ng makapag-higanti sa kanilang natamong masaklap nakabiguan sa mga kamay ng Knights sa Finals matapos na makauna.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest