Ateneo no. 1 sa UAAP juniors cagefest
September 18, 2001 | 12:00am
Nakuha ng defending juniors champion Ateneo Blue Eaglets ang No. 1 slot sa Final Four ng UAAP juniors basketball matapos pabagsakin ang kanilang karibal na La Salle Bengals, 78-70 kahapon sa Ateneo Gym.
Tinapos ng Eaglets ang kanilang kampanya sa eliminations sa pamamagitan ng 11-1 panalo-talo habang tumabla ang Bengals sa Santo Tomas Tiger Cubs sa 9-3 record.
Makakaharap ng Ateneo ang Adamson Baby Falcons sa Final Four habang ang Bengals at Tiger Cubs naman ang magsasagupa sa isa pang semis match ngunit kailangan pa nilang magharap upang matukoy kung kanino mapu-punta ang twice-to-beat advantage sa one-game play-off sa alas-12:00 ng tanghali sa Araneta Coliseum bukas.
Pinangunahan ni Michael Guidaben, anak ng two-time PBA MVP Abet Guidaben, sa pagposte ng team high 16 puntos bukod pa sa kanyang naitalang 12 rebounds.
Sinuportahan ito ng 15-puntos ni Mark Anthony Escalona at tig-9 puntos mula kina Rodrigo Bulaon at Emmanuel Nazareno.
Nilimitahan ng Eaglets, na naka-sweep ng kanilang anim na laro sa second round, ang Bengals sa tatlong field goals lamang sa huling pitong minuto ng labanan.
Ang tanging talo ng Eaglets ay kontra sa Tiger Cubs, 73-71 sa unang round.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended