Isang gintong pamamaalam ni Elma
September 17, 2001 | 12:00am
KUALA LUMPUR - Dahil ito na ang huling kampanya ni Elma Muros Posadas sa Southeast Asian Games, gumawa ito ng isang ginintuang pamamaalam.
Mula 1983 Singapore SEA Games, hindi pa umuuwi ang 34-gulang na si Elma na walang dalang gintong medalya.
Tulad ng dati uuwing may nakasabit na gintong medalya sa leeg si Elma matapos mamayagpag sa womens heptathlon, isang bagay na di nito inaasahan dahil hindi ito nakapagprepara ng husto.
"Wala talaga akong ensayo sa event na ito. Kaya lang ako sumali dahil sabi ni Jojo (Posadas, ang kanyang asawa at coach) para alalayan si Percela Molina na unang sali sa hepta sa SEA Games," ani Elma.
"Hindi talaga namin pinaghandaan ang hepta. Ni wala nga kaming endurance training. Yung gamit na dala nga ni Elma ay yun din ang ginamit niya," sabi naman ni Jojo. "Kaya ko pinasali si Elma ay para hindi kabahan si Percela."
Ngunit imbes na magbigay ng suporta sa kanyang mga kasamahan, di akalain ni Elma na siya ang mangunguna matapos lumikom ng 5,059 puntos matapos ang 7 sport discipline.
Nakopo ni Molina ang silver sa kanyang naaning 4,687 habang si Vu Bich Hung ng Vietnam ay may 4,427 para sa bronze medal.
Ang tagumpay na ito ay ang ika-15th gold sa SEA Games ni Elma na nanguna rin sa 1997 Jakarta SEA Games sa heptathlon.
Kinumpirma na ni Elma na ito na ang kanyang huling paglalaro at sabi niyay, "totoong-totoo na ito. Ito na ang huli kong SEA Games. Masaya na ako sa nagawa ko dito."
Ayon kay Elma, inimbitahan ito ni Philippine Sports Commission chairman Carlos Butch Tuason na maging consultant ng naturang ahensiya upang maibahagi nito ang kanyang karanasan para sa mga atleta na nasa grassroots level.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am