77th NCAA men's basketball: Cardinals pasok sa fin

Nagpakakatag ang Mapua sa huling tatlong minuto ng sagupaan upang igupo ang University of Perpetual Help-Rizal, 80-72 at ipormalisa ang kanilang pagpasok sa Final Four ng 77th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naka-entra ang Cardinals sa Final Four sa nakalipas na limang taon mula ng pangunahan ni Omanzie Rodriguez ang koponan sa kanilang runner-up finish noong 1996.

Kumana si Jeffrey Martin ng krusiyal na basket sa huling segundo ng labanan upang ihatid ang Cardinals sa kani-lang 8-5 record habang ang Altas ay bumagsak sa 4-10.

Sa junior game, dinuplika ng kanilang junior counterparts ang tagumpay ng Cardinals nang kanilang pabagsakin ang Altalettes, 102-48.

Show comments