Ang panalo kontra sa Altas sa ala-1:30 ng hapong engkuwentro ang magkakaloob sa Cardinals ng ikatlong slot sa semifinals matapos makauna ang nagungunang Jose Rizal at San Sebastian.
Layunin naman ng Jose Rizal na mapahigpit ang kanilang kapit sa No. 1 sa kanilang pakikipagharap sa SSC Stags sa dakong alas-5:00 ng hapon.
Sa juniors division, target naman ng MIT Red Robins na ipormalisa ang kanilang pagpasok sa Final Four sa kanilang pakikipaglaban sa UPHR Altalettes sa ganap na alas-12:00 ng tanghali habang makakaduwelo naman ng SSC Staglets ang JRU Light Bombers sa dakong alas-3:30 ng hapon.
Sakaling magtagumpay ang Mapua, ang huling Final Four slot ay paglalabanan ng defending champion St. Benilde, Letran at host Philippine Christian University.
Ang Bombers ay may 10-2 record kasunod ang Baste (8-4), Mapua (7-5), CSB Blazers (7-6), PCU Dolphins (7-7), Letran (6-7), Altas (4-9) at San Beda (2-11).