NCAA men's basketball: Final 4 asam ng Mapua
September 15, 2001 | 12:00am
Hangad ng Mapua na ipormalisa ang kanilang pagpasok sa Final Four sa kanilang pakikipagsagupa sa University of Perpetual Help Rizal sa pagpapatuloy ng NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang panalo kontra sa Altas sa ala-1:30 ng hapong engkuwentro ang magkakaloob sa Cardinals ng ikatlong slot sa semifinals matapos makauna ang nagungunang Jose Rizal at San Sebastian.
Layunin naman ng Jose Rizal na mapahigpit ang kanilang kapit sa No. 1 sa kanilang pakikipagharap sa SSC Stags sa dakong alas-5:00 ng hapon.
Sa juniors division, target naman ng MIT Red Robins na ipormalisa ang kanilang pagpasok sa Final Four sa kanilang pakikipaglaban sa UPHR Altalettes sa ganap na alas-12:00 ng tanghali habang makakaduwelo naman ng SSC Staglets ang JRU Light Bombers sa dakong alas-3:30 ng hapon.
Sakaling magtagumpay ang Mapua, ang huling Final Four slot ay paglalabanan ng defending champion St. Benilde, Letran at host Philippine Christian University.
Ang Bombers ay may 10-2 record kasunod ang Baste (8-4), Mapua (7-5), CSB Blazers (7-6), PCU Dolphins (7-7), Letran (6-7), Altas (4-9) at San Beda (2-11).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am